MEDICAL MISSION PARA SA MGA INMATES

 

Binigyang solusyon ng Pamahalaang Lungsod ang isyung pangkalusugan ng Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) matapos na ito ay magpaaabot ng tulong sa pamamagitan ng medical mission na pinangasiwaan ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Roberto R. Olivarez noong Nobyembre 7-8, 2017.
May bilang na 590 inmates ang nakinabang sa misyong ito kung saan sila ay nabigyan ng libreng lunas sa mga sakit gaya ng sakit sa balat, tuberculosis, hypertension, ubo, sipon, lagnat at iba pang viral infection.