8TH CITY GRAND JOB FAIR MATAGUMPAY NA GINANAP

 

Muli ay nabawasan ang unemployment rate sa lungsod ng San Pedro matapos na ma-hire-on-the-spot ang 278 na aplikantre mula sa 643 na nakilahok sa 8th City Grand Job Fair sa San Pedro Astrodome noong ika-26 ng Oktubre, 2017. Animnapu’t pito (67) na kumpanya, at limang (5) overseas agencies ang nakibahagi sa one-day job fair upang mapunuan ang kanilang mga bakanteng posisyon, habang dumating din ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Philhealth at Pag-Ibig na nagbigay serbisyo sa pagpoproseso ng mga kinakailangang requirements ng mga aplikante.
Ang 8th City Grand Job Fair ay isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Lauren Hernandez at pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz.