SAN PEDRO PET CEMETERY GROUND BREAKING CEREMONY

 

Pinangunahan ni Executive Secretary V Aaron Calixto R. Cataquiz ang Groundbreaking Ceremony ng San Pedro Pet Cemetery na matatagpuan sa Heaven’s Key Sitio Rustan Brgy. Langgam. Pinasinayaan ni Fr. David Reyes ang sementeryo na paglalagakan sa mga namayapang hayop na ginanap noong Oktubre 23, 2017.
Bilang pagpapahayag ng kanyang pagmamahal at pagpapahalaga sa mga hayop ay isinakatuparan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang kanyang pinapangarap na pet cemetery, na kauna-unahan sa buong Laguna.
Dinaluhan nina Councilors Edgardo Berroya at Bernadeth Olivares, dating konsehal Diwa Tayao, Brgy. Langgam Chairman Romeo Poyaoan, City Vet. Fe Templado, City Agriculture Officer Roger Bartolini, day care teachers and students, barangay councils, at Homeowners Association.