ANTI-BANK ROBBERY AND ANTI-CYBERCRIME TASK FORCE

Binuo ang anti-Bank Robbery and anti-Cybercrime Task Force upang maiwasan o malabanan ang mga insidente ng nakawan sa bangko at cybercrime sa Lungsod ng San Pedro. Upang mapagtibay ito ay nagsagawa ang Laguna Police Provincial Office ng Joint Anti-Bank Robbery and Cyber-crime Coordinating Committee Meeting na dinaluhan ng mga kinatawan ng bangko at financial establishments mula sa district 1 ng Laguna noong Sept. 28, 2017 sa Multi Purpose Hall ng City of San Pedro.
Binusisi ni Provincial Director PSSUPT Cecilio R. Ison Jr. ang mga kakulangan o kadahilanan kung bakit madalas na nabibiktima ang mga financial establishments, habang pinangunahan naman ni Deputy Provincial Director Administrator PSUPT Zeric Soriano ang open forum kasama ang mga kapulisan at financial establishments upang pag-usapan ang mga kinakailangan pagtuunan ng pansin upang malabanan ang ganitong klase ng insidente. Nakibahagi rin sa isinagawang pagtitipon si dating mayor Calixto Cataquiz na sinuportahan ng Punong Lungsod.