COOPERATIVE PRE-REGISTRATION SEMINAR

 

Malalimang tinalakay ni Ester Pelaez, Cooperative Dev’t Specialist, 1st district of Laguna, ang mga paraan upang maging kasapi ng isang matagumpay na kooperatiba at kahalagahan nito sa pre orientation seminar na ginanap sa Multi-Purpose Hall ng San Pedro City Hall, Sept. 27, 2017.
Katuwang ang Livelihood-BUB (Bottom-Up Budgeting) office at si dating konsehala Leslie Lu, ay pinalawak ang usapin tungkol sa “Organization & Development of a Successful City Cooperative.”