3RD QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL

Sa gitna ng napakalakas na ulan ay sabay-sabay pa rin na nag “duck, cover & hold” ang mga opisyales at empleyado ng gobyerno, mga estudyante, at mga guro sa lungsod ng San Pedro na nagpartisipa sa “3rd quarter nationwide simultaneous Earthquake drill” bilang paghahanda sa banta ng “The Big One”.
Ang pagsasanay na inihanda at pinamunuan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at suportado ng Pamahalaang Lungsod, ay isinagawa sa IETI sa Brgy. Magsaysay, PUP San Pedro, St. Joseph. 10, Liceo de San Pedro, Central Elementary School, Viva, Casa del Nino, at City Plaza, noong ika-27 ng Setyembre, 2017, ganap na alas dos ng hapon.