CITY MAYOR LOURDES CATAQUIZ, PINANGUNAHAN ANG ORIENTATION COURSE FOR THE COMMUNITY WOMEN

Pinangunahan ni Mayor Lourdes Cataquiz ang Orientation Course for the Community Women Program ng Girl Scout of the Philippines Laguna Council na may layuning mahubog ang mga kababaihan na maging mabuting ehemplo sa kanilang lugar at pangunahan ang pagtulong sa kapwa.
Ibinahagi ni GSP Credential Trainer Acena Panisales sa 126 na miyembro ng Samahang Kababaihan ng San Pedro Laguna ang mga pananaw at misyon ng GSP, maging ang iba’t-ibang mahalagang kaalaman na makatutulong sa pag-angat ng ating lipunan.