2017 INTER-BARANGAY BASKETBAL TOURNAMENT

 

Hindi magkamayaw sa kaligayahan ang San Pedronians ng makisaya ang team ng GlobalPort Batang Pier sa “2017 Inter-Barangay Basketball Tournament” sa San Pedro City Plaza noong ika-10 ng Setyembre, 2017.
Pinangunahan ni Department of Youth & Sports Development (DYSD) concurrent head Aaron Calixto Cataquiz ang pagbubukas ng tournament kung saan malugod nitong sinalubong ang mga kilalang PBA players na sina Terrence Romeo, Billy Mamaril, Arnold Van Opstal, Jonathan Grey, Mark Cardona at Mac Baracael.
“Sa pamamagitan ng Inter-Barangay Basketball Tournament, mahihikayat natin ang mga kabataan na mailabas ang kanilang talento at higit pang mahasa ang kanilang kakayahan sa larangan ng basketball,” ani Cataquiz.