PRIMEWATER BINUKSAN NA ANG BOOSTER STATION 2

 

Pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang pagpapasinaya ng bagong booster station ng Primewater San Pedro sa Brgy. Magsaysay noong ika-6 ng Setyembre, 2017. Ang nasabing booster station ay inaasahang makapagbibigay ng karagdagang suplay ng tubig sa mga naninirahan sa upper villages.
Pinapurihan ni Mayor Cataquiz sina Primewater General Manager Garry Pili at Chairman Celedonio Tayao dahil sa ganda, kaayusan at laki ng ipinatayong depositohan ng tubig na siyang makalulutas sa suliranin ng kakulangan ng tubig na nasasakupan nito, at maging ang hindi pagputol ng mga puno sa loob ng compound.
Dumalo sina Executive Sec. Aaron Calixto Cataquiz, Atty. Hemma Aspiras ng Legal Affairs, Councilors Bernadeth Cuevas, Edgardo Berroya, Jaime Ambayec at Kent Lagasca, ABC Pres. Romeo Marcelo, at iba pa.