SAN PEDRO TECHNOLOGICAL INSTITUTE (SPTI) MATAGUMPAY NA GINANAP ANG IKA-131 NA GRADUATION CEREMONY

 

625 graduates ang nagsipagtapos sa ika-131 na SPTI graduation na ginanap sa San Pedro Astrodome noong August 25, 2017. Panauhing pandangal si City Mayor Lourdes S. Cataquiz na  pinasalamatan ang mga magulang, SPTI management team at faculty sa kanilang pagsasakripisyo para bigyang kaalaman at kahusayan ang mga nagsipagtapos. Nakibahagi sa programa sina City Administrator Filemon I. Sibulo, Kon. Jimbo Ambayec, at SPTI Administrator Dominador S. Marmeto.
Ang mga nagsipagtapos ay mula sa 29 na kurso ng SPTI kabilang ang Bartending, Food & Beverage Services, Welding, Massage Therapy, at iba pa.