CITY JUNIOR OFFICIALS NAGPASALAMAT SA HULING ARAW NG PANUNUNGKULAN

 

Emosyonal ang mga City Junior Officials sa kanilang huling araw ng pagsasama-sama at panunungkulan sa ginanap na Testimonial Dinner sa Multi-Purpose Hall ng San Pedro City Hall noong August 25, 2017 sa ganap na alas-7:00 ng gabi. Pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ang naturang okasyon. Kabilang sa mga nakiisa sa programa ang mga konsehal at department heads na kanilang naging counterparts. 
Buong pusong nagpahayag ng pasasalamat ang mga junior officials sa Punong Lungsod sa pagkakataong ibinigay nito sa kanila na makapaglingkod sa Pamahalaang Lungsod sa loob ng isang lingo. Anila, napakahalaga ng kanilang naranasan at natutunan tulad ng mga paraan ng pagpapatakbo ng isang lider sa bawat departamento, pagdalo sa aktuwal session ng Sangguniang Bayan, pagpapahayag ng rekomendasyon at paghahanda ng resolusyon sa bawat departamento, pagdalo sa mga seminar, at iba pa. Bukod dito, natutunan nila ang mga pamamaraan at wastong paglalapat ng solusyon sa mga suliranin ng lungsod
Ang taunang Youth Week Celebration ay pinangangasiwaan ng concurrent head ng Department of Youth and Sports Development na si Aaron Calixto S. Cataquiz, Rommel Vale at staff.