SALT AND LIGHT INTERNATIONAL NAGSAGAWA NG MEDICAL MISSION

 

Muling nagsagawa ang Salt and Light International Missions Inc. ng kanilang taunang Free Medical Mission noong August 12-13, 2017 at August 22-24, 2017 na isinagawa sa Barangay Landayan, Jose L. Amante Emergency Hospital, Narra at Cuyab. Laking pasasalamat ng mahigit 800 na mahihirap na indibidwal sa Salt and Light dahil sa ipinagkaloob sa kanilang serbisyong medikal tulad ng general oriental medicine, dental medicine, breast cancer examination, laboratory services, pediatrics, acupuncture at minor surgical operations ng cysts, warts at mole. Nagsagawa rin ng libreng gupitan para sa mga bata at nakatatanda.

Kabilang sa mga naglingkod na Korean doctors sina Han Tae II, Taeil Han, Lee Jin Yong at Choi Yu, Kang Sang Iyong, Lu Seung Ju, Hwang Kwang Seo, Ahn Taesuk, Kang Heedon at Yi Yeongsuk na tinulungan ng City Health Office at mga support departments ng Pamahalaang Lungsod.