MGA MINI JOB FAIRS MATAGUMPAY NA IDINAOS

 

Dalawang magkahiwalay na Mini Job Fair ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO), na pinamumunuan ni Mr. Lauren Hernandez, kung saan na hired-on-the-spot ang 9 na aplikante noong Aug. 18, at 37 naman noong Aug. 23, 2017.
May 84 na aplikante ang nakibahagi sa unang araw ng job fair na binuo ng 7 kumpanya at ginanap sa Brgy. Magsaysay covered court, habang 234 na aplikante naman ang lumahok sa ikalawang araw sa Pantry Area ng San Pedro City Hall at sinalihan ng kumpanya ng LAMCOR. Layon ng naturang job fair na mabawasan ang unemployment rate sa lungsod.