840 NA ESTUDYANTE, GINABAYAN SA “CAREER AND EMPLOYMENT SEMINAR”

 

Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng “Career and Employment Guidance Seminar for High School Students” sa 840 mag-aaral ng San Pedro Relocation Center National High School – Main (720 students) sa Brgy. Langgam, at San Lorenzo School (120 students) sa Brgy. San Antonio, noong Agosto, 24, 2017.
Ang naturang seminar ay pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO), sa pamumuno ni Mr. Lauren Hernandez. Layon nito na mabigyan ang mga mag-aaral ng talino o batayan sa pagpili ng kanilang tatahaking karera upang maging produktibong manggagawa sa hinaharap.
Guest speakers na sina Provincial PESO Mary Jane Corcuera, PO1 Bernardo Eraso Jr at Provincial Population Officer II Dionilla Estallila. Binigyang-din nila ang tamang pagpili ng kurso upang mas maging makahulugan ang kanilang buhay at maiwasan ang pagkakamali o panghihinayang sa buhay propesyunal sa hinaharap.