PAMILYA NG MGA DRUG SURRENDEREES, MALAKI ANG PASASALAMAT

 

Nagpasalamat ang bawat pamilya ng 20 drug surrenderees kay City Mayor Lourdes S. Cataquiz dahil sa kanilang magandang pagbabago dahil sa isinagawang Barangay-based Rehabulitation Program at Therapeutic Community Modality Program (TCMP) sa Brgy. Sampaguita mula July 9 hanggang August 13, 2017.

Ang programang ito, na isinagawa ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) ay may layuning baguhin ang pamumuhay ng mga drug surrenderees sa pamamagitan ng mga programa ng San Pedro Livelihood Open Training Center (SPLOTC), Alternative Learning System (ALS) at San Pedro Technological Institute (SPTI)