YOUTH ELECTORAL CONVENTION ISINAGAWA

 

Isinagawa ang electoral convention ng mga kabataan mula sa private and public high school ng Grade 10 students. Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng Youth Week Celebration 2017 na gaganapin ngayong August 19-25, 2017. Patuloy na binibigyan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ng pagkakataon ang mga kabataan na maging lider at aktuwal na maranasan ang pamamahala sa lungsod.
Nahalal bilang Junior City Mayor si John Rick de Leon mula sa Sampaguita National High School at Junior City Vice Mayor na si Cielo Angela C. Aguilar mula sa Pacita National High School kabilang din ang pagkakaroon ng city councilors at department head. Pinangasiwaan ng Department of Youth and Sports Development ang convention na ginanap sa Pavilion Hall noong July 28, 2017.