BUWAN NG NUTRISYON, MATAGUMPAY NA IDINAOS

 

July 31, 2017 – Isinusulong ang magandang kalusugan at malusog na pangangatawan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz katuwang ang City Health Office (CHO) at City Social Welfare and Development Office (CSWDO), sa isinagawang Nutrition Month celebration na may temang “Healthy Diet Gawing Habit for LIFE!”. Layunin nitong mapalaganap ang kaalaman at impormasyon sa mga mamamayan kung paano mapangangalagaan ng tama ang ating mga sarili sa pamamagitan ng mga masusustansyang pagkain.
Nagkaroon ng iba’t-ibang paligsahan na sinalihan ng mga Barangay Officers at Day Care Teachers mula sa iba’t ibang barangay tulad ng Nutri-Dance Fitness Contest at Serving Healthy Diet and Cooking contest. Nakiisa sa programa sina Coun. Edgardo Berroya, barangay chairman at Alaska Corporation Representative na si Atty. Angela Esquiven na namahagi ng libreng gatas sa mga bata.