BEHAVIORAL CHANGE TOWARDS HEALTHY DIET

 

Kasabay ng pagdiriwang ng Nutrition Month na may temang “Healthy Diet Gawing Habit for LIFE!”. Nagkaroon ng seminar si City Mayor Lourdes S. Cataquiz noong ika-24 ng Hulyo, 2017 patungkol sa Behavioral Change Towards Healthy Diet para sa mga magulang. Dito tinalakay ang kahalagahan ng breastfeeding o pagpapasuso ng gatas ng ina, pag-iwas sa double burden malnutrition at non-communicable diseases tulad ng cancer, diabetis, cardio vascular disease, hypertension at kahalagahan ng mga masusustansyang pagkain na makakatulong sa pagpapalakas ng katawan at pagpapanatili ng magandang kalusugan. Pinangasiwaan ng City Health Office (CHO) na ginanap sa Multi-purpose hall.