MINI JOB FAIR, MATAGUMPAY NA GINANAP SA BRGY. NARRA

 

Nabigyan ng panibagong pag-asa ang 55 mamamayan ng San Pedro matapos ma-hired-on-the-spot sa naganap na Mini Job Fair sa Covered Court Brgy. Narra, San Pedro, Laguna, July 21, 2017 na nilahukan ng 10 kumpanya.

Ang Job fair ay handog ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa lungsod ng San Pedro upang mabawasan ang unemployment rate na kung saan ito ay isinasagawa sa mga barangay. Pinangasiwaan ng Public Employment Services Office (PESO) Head Engr. Lauren Hernandez.