CAREER INFORMATION & GUIDANCE SEMINAR FOR HIGH SCHOOL STUDENTS

 

816 estudyante (Grades 9 at 10) mula sa Sampaguita National High School-Southville Extension, Sampaguita National High School-Adelina 1 at San Pedro Relocation Center National High School-Cuyab Campus ang dumalo sa “Career Information & Guidance Seminar for High School Students” na ginanap noong July 21, 2017 sa Adelina 1 Covered Court Brgy. San Antonio at SPRCNHS-Cuyab Campus.
Ang naturang seminar ay isinagawa ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz na pinangasiwaan ng Public Employment Service Office (PESO) Head Engr. Lauren Hernandez sa tulong ng mga tagapagsalita na sina Provincial PESO officer Mary Jane Corcuera at Provincial PESO staff Raquel Gayahan. Dito ay tinalakay nila ang personal/life skills alinsabay ng mga magandang asal tulad ng serbisyo, compassion, empathy, patuloy na pag-aaral at integridad.