“GENDER SENSITIVITY TRAINING” PARA SA MGA AMA NG TAHANAN

 

Karapatang pantao at pantay na pakikitungo sa kapwa ang ibinahagi sa 59 na ama ng tahanan mula sa Brgy. San Vicente at Langgam sa isinagawang Gender Sensitivity Training (GST) for male spouses noong ika-20 ng Hulyo sa Multi-purpose Hall ng pamahalaang lungsod.
Ginabayan ng mga facilitators na sina Eunice C. Regino ng City link at Social Welfare assistant Manuel P. Corton Jr. ang mga lumahok upang magamit nila ang kanilang mga natutunan sa training sa pang araw-araw nilang pamumuhay upang higit na maging epektibo ang kanilang pakikipagtulungan sa kani-kanilang tahanan. Sinuportahan naman ito ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz at pinaalalahanan sila na maging mabuting halimbawa sa mga taong naka palibot sa kanila.