CITY TRAFFIC ORDINANCE LALAGYAN NA NG PANGIL

 

Nakatalagang maglagay ng karagdagang traffic enforcers, barangay police, at traffic signages tulad ng “no parking” at “no loading/unloading zone,” magkabit ng CCTVs sa mga danger zones, magtanggal ng unnecessary road humps, at gawing gabi ang paghahakot ng basura, at magpakalat ng information dissemination sa bawat barangay ng lungsod ng San Pedro. Ito ay matapos na idulog sa pagpupulong, na pimanunuan ni Admin Head Filemon Sibulo, ang mga suliranin at reklamo ng mga taong-bayan sa mga barangay captains na inilapit naman sa pamahalaang lungsod upang tuldukan ang mga hinaing at mahigpitang ipatupad ang city traffic ordinance.
Ang pagpupulong noong July 20, 2017 ay nilahukan nina EA II Lirio Rivera, HRMO head Leah L. Morando, CENRO head Marilou Balba, iba pang opisyales ng pamahalaang lungsod, mga kapitan ng iba’t-ibang barangay at mga representante nito.