INSPEKSYON NG MGA TIMBANGAN ISINAGAWA SA SUKI MARKET

 

Nagkaroon ng calibration ng lahat ng timbangan sa Suki Market at Pacita Commercial Center noong July 12 and 13 upang maiwasan ang panloloko at maprotektahan ang mga consumers kung saan 18 na depektibo at madadayang timbangan ang nakumpiska
Pinamunuan ng Treasury Department sa pangangasiwa ni Ms. Enelyn DS. Abaigar, katuwang ang San Pedro PNP at Public Order and Safety Office (POSO), ang naturang calibration na may layuning paigtingin pa ang pagsusuri ng timba┬Čngan sa lahat ng pamilihan.
Ang lahat ng mga nakumpiska ay sisirain at magmumulta naman ang mga may-ari ng nagkakahalagang P1,000.00.