NATIONAL DISASTER CONSCIOUSNESS MONTH 2017

 

National Disaster Consciousness Month (NDCM) 2017. Upang mapasinayahan ang month-long celebration ng National Disaster Consciousness Month (NDCM), nagsagawa ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Barangay Disaster Risk Reduction and Management Councils (BDRRMCs), non-government organizations (NGOs), Civil Society Organizations (CSOs), at volunteer groups, ng motorcade sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod at “Static Display of Capabilities” sa City Plaza noong July 4, 2017.
Ang NDCM, na may temang “4Ks: Kamalayan sa Kahandaan, Katumbas ay Kaligtasan,” ay may layon na ipamalas ang mga kakayahan at kapasidad ng bawat ahensiya ng Pamahalaang Lungsod na maaaring makatulong sa mga mamamayan ng San Pedro sa oras ng sakuna.