CAREER INFORMATION AND GUIDANCE SEMINAR FOR HIGH SCHOOL STUDENTS

 

1,539 estudyante (Grade 9 at 10) mula sa Pacita Complex National High School, Laguna Northwestern College (LNC) at Liceo De San Pedro (LDSP) ang dumalo sa “Career Information & Guidance Seminar for High School Students” na ginanap noong June 28 at 29, 2017 sa Pacita Astrodome at LDSP Auditorium.

Ang naturang seminar ay isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni Mr. Lauren Hernandez sa tulong ng mga tagapagsalita na sina Provincial PESO officer Mary Jane Corcuera at provincial PESO staff Raquel Gayahan. Dito ay tinalakay nila ang personal/life skills alinsabay ng mga magandang asal tulad ng serbisyo, compassion, empathy, patuloy na pag-aaral at integridad.