MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGPAPANATILI NG KAAYUSAN SA HILLTOP DRIVE

 

Nagkaroon ng “Memorandum of Agreement” ang pamahalaang lungsod at Holiday Hills/SSS Village para sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng Hilltop drive Brgy. San Antonio. Pumirma sa kasunduan sina City Admin. Filemon Sibulo at Holiday Hills HOA Pres. Renato S. Mollasgo noong June 27, 2017.
Kabilang ang lugar na ito sa dinaanan ng clearing operation na naganap noong buwan ng Abril. Masinsinang kinausap ang bawat pamilyang kabilang sa informall settlers na naapektuhan ng operasyon upang agarang mailipat sa Bayan-Bayanan, Brgy. San Vicente.
May bilang na 19 pamilya ang binigyan ng financial assistance na nagkakahalagang P25,000 ng pamahalaang lungsod. Ito ay sa pangangasiwa ng City Urban Development Housing Office (CUDHO), Engineering Department at City Environment & Natural Resources Office (CENRO).