SOCIAL PENSION PARA SA MGA INDIGENT SENIOR CITIZENS

 

Naglaan ang pamahalaang lungsod ng kabuuang halaga na P787,500. para sa 525 indigent senior citizens kung saan sila ay nakatanggap ng quarterly pension na P1500/head . Ang naturang programa ay isinagawa ng Office of the Senior Citizens Affair (OSCA) sa pamumuno ni Gregoria Ramilo na sinuportahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz noong ika-15 ng Hunyo, 2017. Para po sa mga karagdagang katanungan ukol sa social pension para sa mga seniors, maari po kayong tumawag sa OSCA sa 808-2020 local 107.