156th BIRTH ANNIVERSARY NI DR. JOSE RIZAL IPINAGDIWANG SA BANTAYOG NITO

 

Ipinagdiwang at ginunita ng City of San Pedro, sa pamumuno ng mga head and staff at mga opisyales ng Pamahalaang Lungsod, ang 156th birth anniversary celebration ng ating pambansang bayani na si Gat Jose P. Rizal sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak.

Idinaos ang selebrasyon sa City Plaza, June 19, 2017, na dinaluhan ng mga miyembro ng City Alliance of Senior Citizens Association of San Pedro, Inc. (CASCASPI), at city PNP. Nagbigay ng makahulugang mensahe si dating konsehal Diwa Tayao kung saan binigyang-pugay at pagkilala nito ang ating pambansang bayani at sinariwa ang magagandang ala-ala nito.