PHILIPPINE URBAN SOLIDARITY ORGANIZATION INC. (PUSO) 31ST ANNIVERSARY

 

Pinarangalan ng plake ng pagkilala sina Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon, National Housing Authority Project Engr. Belinda Sevalla, at Brgy. Capt. ng Langgam na si Romeo Poyawan dahil sa kanilang walang sawang pagtulong at pagbibigay ng serbisyong pabahay. Ang naturang programa ay alinsabay sa Philippine Urban Solidarity Organization, Inc. (PUSO) 31st Anniversary and Awarding Ceremony na ginanap sa PEA 2-A Filinvest Homesite Bahay Masagana, Brgy. Langgam, noong ika-17ng Hunyo, 2017. Dito’y matapang na nagpahayag si City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa mga residente at informal settlers ng suporta sa pagbili ng lupain na pagpapatayuan umano ng pamahalaang lungsod ng pabahay na may kumpletong pasilidad. Nakiisa sa programa sina Councilors Bernadeth Olivares at Kent Lagasca.