LIBRENG SCHOOL SUPPLIES PINAMAHAGI

 

Kasabay ng pagbubukas ng pasukan sa taong ito, namigay ang pamahalaang lungsod ng libreng school supplies sa mga mag-aaral sa day care center at elementarya sa pampublikong paaralan. Mahigit sa 15,000 ang ipinamahaging plastic envelope and bags na naglalaman ng notebook, pencil, ballpen, crayons, pad paper, eraser, at sharpener. Ito ay handog ni Mayor Lourdes S. Cataquiz upang matulungan ang mga magulang na matustusan ang pangangailangan ng mga bata sa paaralan na taon-taong isinasagawa sa lahat ng barangay.