SLIPPER MAKING WORKSHOP PARA SA MGA FEMALE INMATES

 

Nabigyan ng pagkakataon ang ilang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) female inmates na ilabas ang kanilang talento sa pagdisenyo at paggawa ng makukulay na tsinelas matapos na ibahagi ni Vangilyn D. Velchez ang kanyang nalalaman dito. Kabahagi ang Bottom-Up Budgeting – Project Management Team (BUB-PMT) sa pamumuno ni Mr. Pablo Castillo at staff na sina Sandro Velchez, Rico Cindica at Lony Landicho sa naturang programa na sinuportahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz at isinagawa noong ika-7 ng Hunyo, 2017.