SIPAG FACILITATORS TRAINING

 

Nakiisa ang San Pedro City Police Station sa pangunguna nina Luis D. Perez, Deputy Chief of Police; at ang bagong talagang City Chief of Police P/Supt. Zeric L. Soriano, katuwang ang City Planning Development Coordination Office, Simula ng Pag-asa (SIPAG) Project Head Laurence Tugaoen sa isinagawang “SIPAG Facilitators Training” noong ika-1 ng Hunyo, 2017 sa Pavilion Hall ng San Pedro City Hall.
Ang naturang aktibidad ay sinuportahan ni Admin Head Filemon Sibulo, CADAC/BADAC staff, faith-based organizations/religious groups at ni ABC President Romeo Marcelo.