MINI JOB FAIR MATAGUMPAY NA GINANAP SA BRGY. POBLACION

 

Agad na nakakuha ng trabaho ang 30 aplikante na kasama sa 102 na dumagsa sa Mini Job Fair sa Brgy. Poblacion covered court noong Ika-19 ng Mayo 2017 mula 9am hanggang 3pm. Sampung (10) kumpanya ang nagbigay pag-asa sa mga residente na nangangailangan ng trabaho. Ang mini job fair ay sinuportahan ni Barangay Capt. Abet Aquino, Public Employment Service Office (PESO) head Engr. Lauren Hernandez at ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz.