IKALAWANG YUGTO NG “KAYGANDA NG NGITI KO SA BAGO KONG PUSTISO”

 

Ang ikalawang yugto ng programang “Kay ganda ng ngiti ko sa bago kong pustiso” na handog ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ay ginanap sa Multipurpose Hall, May 12, 2017. Katuwang sa programang ito ang Head Dentist na si Dr. Medardo Ramirez kasama sina Dr. Don Romero at Dr. Catherine F. Arguilles, kung saan sila ay namahagi ng libreng pustiso sa 177 na dumalo sa programa.