PDEA PROVINCIAL OFFICER NAGBIGAY NG ULAT UKOL SA ISINASAGAWANG DRUG CLEARING OPERATION

 

Ginanap ang isang pagpupulong na may tatlong parte, na dinaluhan ni City Admin Filemon I. Sibulo, PNP Chief Depositar at ibang PNP officers,at mga representatives mula sa DILG, CSWD, BADAC, CADAC at mga barangay captain at ibang pang kagawad ng City of San Pedro sa pamumuno ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa City Hall ng San Pedro, May 11, 2017.
Ang unang parte ay ang pag talakay ng Provincial Officer ng Laguna na si PDEA Agent Rio Arizala tungkol sa “Drug-Clearing Operation” at ang tatlong bahagi nito tulad ng Pre-operation, Operation at Post-operation. Ang pangalawang parte naman ay ang “Incident Command Training” na ibinahagi ni Mr. Vernet Nico Pavino, OIC ng CDRRMO. Ang huling parte ay ang pagbibigay ng First Aid Kits ng punong lungsod katuwang sina Konsehal Bobot Berroya at Mr. Pavino para sa mga nasasakupan ng bawat barangay.