PAGPAPATAYO NG ROBINSONS PLACE SAN PEDRO SINIMULAN NA

 

Matapos ang pagpupulong noong ika-25 ng Enero 2017, pinasimulan na rin ang pagpapatayo ng Robinsons Place Premium Mall San Pedro na matatagpuan sa dating Cosmos Bottling Corp., National Highway. Pinangunahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz at Project Manager Arch. Chona Licauco ng Robinsons Land Corp. ang pagpupulong upang maisakatuparan ang naturang plano.
Kabilang sa mga sumuporta sina City Admin. Filemon I. Sibulo, Executive Sec. Aaron Cataquiz, City Engineer Jun Ables, City Building Official Engr. Julieta TiƱana, Arch. Ernesto Remolacio, CENRO Head Marilou Balba at POSO Head Evangeline Allen.