PAGSULONG SA ANTI-RED TAPE ACT (ARTA)

 

Patuloy na isinusulong ng pamahalaang lungsod ang pagpapatupad ng Anti-Red Tape Act (ARTA). Nagkaroon ng pagpupulong ang lahat ng Department heads na pinangunahan ni City Admin. Filemon I. Sibulo noong May 4, 2017 sa Ceremonial Hall sa ganap na ika-2:00 ng hapon.
Ayon kay Admin Fil, kinakailangang ang bawat departamento ay mayroong list of frontline services upang agarang makita ng mga tao ang step by step procedure kung paano mag avail ng mga serbisyo. Bukod sa maayos na serbisyo, batayan sa magandang marka ng Civil Service Commisssion (CSC) ang pagkakaroon ng kumpletong public assistance at complaint desk, mahigpit na pagsunod sa “no noon break” policy at pag-iwas sa mga fixer. Pinaghahandaan rin ang pagdating ng CSC ngayong buwan ng Mayo upang magsagawa ng survey sa City hall.