DUGONG ALAY MO, DUGTONG NG BUHAY KO

Umabot sa 13,000ml ng dugo ang nalikom sa Blood Letting Activity na tinawag na “Dugong Alay Mo, Dugtong ng Buhay Ko,” na isinagawa ng Red Cross-Laguna Chapter, katuwang ang City of San Pedro sa ilalim ng pamunuan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, sa Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH), April 28, 2017, mula 8am hanggang 4pm.
Dalawampu’t anim (26) na katao kabilang ang ilang empleyado at staff ng San Pedro City Hall at nurses ng JLAEH ang nagbahagi o nag-donate ng kanilang dugo. Nanguna sina Dr. Kenneth Bryan Pasco, team leader Precious Joy Sacluti at mga volunteers ng Red Cross-Laguna Chapter sa pagsasagawa ng naturang aktibidad.