7TH CITY GRAND JOB FAIR MATAGUMPAY NA GINANAP

Muling nabigyan ng pagkakataon ang mga San Pedronians na makahanap ng trabaho sa isinagawang 7th City Grand Job Fair ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro noong ika-27 ng Abril, na ginanap sa San Pedro Astrodome, Pacita Complex 1. Layon nito na mabawasan ang unemployment rate sa lungsod.
Animnapu’t dalawang (62) lokal na ahensya at mga kumpanya, at anim (6) na overseas manpower agencies na rehistrado sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang lumahok sa naturang job fair na pinangasiwaan ng Public Employment Service Office (PESO) na pinamumunuan ni Engr. Lauren Hernandez at sinuportahan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz.
Sa kabuuang bilang na 1,130 aplikante, 102 ang na hired-on-the-spot sa naturang job fair.