CITY MAYOR LOURDES S. CATAQUIZ, SUPORTADO ANG MGA PARENT-LEADERS NG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4PS)

 

Nagpahayag ng suporta si City Mayor Lourdes S. Cataquiz sa mga parent-leaders ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nagpulong noong April 18 sa Multi-Purpose Hall ng San Pedro City Hall, kung saan masinsinang tinalakay ang mga isyu hinggil sa pagpapatupad ng programang ito sa Pamahalaang Lungsod.
Ipinahayag ni Mayor Cataquiz ang mga prinsipyo hinggil sa pamumuno ng grupo, kasabay ang paghimok sa parent-leaders na tumulong sa pagsisigurong hindi mapupunta sa wala ang pondo ng lokal na pamahalaan.