OPERATION TULI 2017 – SOUTHVILLE 3A

 

Umabot sa 168 ang bilang ng mga kabataang lalaking nasa edad 8 hanggang 16 ang nakinabang sa unang araw ng programang “Operation Tuli,” na isinagawa ni Dr. Raquel Manalastas at mga kawani ng City Health Office kasama si Ms. Riah Ramirez Fojas​ (Chief Nurse), na ginanap sa Barangay Southville 3-A noong ika-17 ng Abril, 2017.
Ayon kay City Mayor Loudes S. Cataquiz, ang naturang serbisyong medical ay nagdudulot ng marka sa mga kababayan lalo na sa mga walang kakayanang magbayad sa mga pribadong klinika.
Ang Operation Tuli ay magtatapos sa ika-10 ng Mayo, 2017.

Narito po ang schedule para sa ibang barangay.