OPLAN SEMANA SANTA – 2017

 

Nagpaabot ng police and medical assistance ang Pamahalaang Lungsod matapos dumagsa ang libo-libong mga Kristiyano at deboto sa simbahan ng Sto. Sepulcro sa Barangay Landayan, mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay (April 13-16, 2017). Ito ay upang maalalayan at tiyakin ang seguridad ng mga dumadayo at sumasabak sa taunang panata at tradisyon ng mga Katoliko tuwing Semana Santa.