RESPONSE OPERATIONS PINAGTIBAY

 

Pinulong ni DILG Officer Jennifer Quirante ang mga barangay na miyembro ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) sa Pavillon Hall noong April 11, 2017 upang lalo pang mapatibay ang mga stratehiyang magsasaayos ng response operations tuwing may kalamidad o emergency. Layunin nito na iparating sa mga local na opisyal ang kanilang mahalagang papel sa panahon ng kalamidad. Mas magiging mahusay at epektibo ang pagresponde kung ang BDRRMC ng bawat barangay ay magiging aktibo.
Ayon kay City Mayor Lourdes S. Cataquiz. Kailangang magkaroon ang lahat ng sapat na kaalaman sa response operations at maibahagi din sa kanilang pamilya ang tamang pagresponde. Nakatakdang magkaroon ng inventory ang bawat barangay upang matukoy ang kulang na kagamitan o equipment na kinakailangan.