MGA BAYANI NG BANSA, BINIGYANG PUGAY

Nag-alay ng bulaklak ang Lungsod ng San Pedro, kabilang ang City Tourism Office, Public Affairs and Information Office (PAIO), mga kapulisan, maging ang Knights of Columbus, upang ipagdiwang ang ika-75 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan, noong ika-9 ng Abril, 2017, 6:00 ng umaga sa City Plaza.
Ang naturang pagpupugay sa mga bayani ng bansa ay may temang “Parangal sa mga Beterano Tungo sa Bayan na Nararapat sa mga Pilipino, mga Pilipino na Nararapat sa Bayan.”