LUNGSOD NG SAN PEDRO GINAWARAN NG PARANGAL BILANG BEST SFP (SUPPLEMENT FEEDING PROGRAM) IMPLEMENTER

Nakatanggap ng parangal ang City Government of San Pedro bilang Best SFP (Supplement Feeding Program) Implementer, mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A (CALABARZON), bilang pagkilala sa bukod-tanging pagganap, pakikibahagi at pagsulong sa programang pangkalusugan. Ito ay sa tulong at suporta ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz at CSWD Head Fatima Autor sa ating mga kabataan upang sila ay makakatanggap ng tama at sapat na pagkalingang pangkalusugan. Layunin din nito na mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga batang malnourished na nagmula sa indigent families.