“TULONG PINANSYAL SA MGA KINAKAPOS NA MAGSISIPAGTAPOS” PATULOY PA RIN

Sinimulan ng April 4 ang “Tulong Pinansyal sa mga Kinakapos na Magsisipagtapos” kung saan umabot sa 277 na mag-aaral ng San Pedro City ang nabibiyayaan, habang 799 noong April 5.
Nakakatanggap ng tig P1,500 ang mga estudyante na nasa kolehiyo, P1,000 sa Grade 12 at P500 sa Grade 6 sa programang isinasagawa ng City Social Welfare and Development (CSWD) ng City of San Pedro. Ang pamahalaan ng San Pedro ay patuloy pa ring tumatanggap ng mga estudyanteng mula sa pampublikong paaralan na nais magparehistro upang makakuha ng tulong pinansyal.