MAYOR LOURDES CATAQUIZ NILAGDAAN ANG KASUNDUAN SA DTI BILANG SUPORTA SA GO NEGOSYO ACT

Lumagda sina City Mayor Lourdes S. Cataquiz at Provincial Director Susan R. Palo ng Department of Trade and Industry (DTI)-Laguna, ng Memorandum of Agreement, kasama ang ilang industry partners, para sa pagratsada ng Go Negosyo Act. Sa ilalim ng Republic Act No. 10644, layunin nito na maglunsad ng Negosyo Center sa lahat ng lalawigan, siyudad at munisipalidad sa bansa upang paigtingin at pagtibayin ang mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs) na makapaglilikha ng pagkakataong mabigyan ng trabaho ang ating mga kababayan.
Kabilang sa nakasaksi sa MOA signing sina Admin Head Fil Sibulo, City Engineer Jun Ables, Engr. Judith Talavera ng General Services Officer (GSO), CBMS Administrative Officer Yvonne Geolingo; Elsa Santos, BPLO OIC; Charlene Toscano, Social Worker Officer 1; at Lirio Rivera, Exec Asst. II.
Ang paglalagda ay naganap ika-6 ng Abril 2017.