TULONG PINANSYAL SA MGA KINAKAPOS NA MAGSISIPAGTAPOS

Sinimulan ng April 4 ang “Tulong Pinansyal sa mga Kinakapos na Magsisipagtapos” kung saan umabot sa 277 na mag-aaral ng San Pedro City ang nabibiyayaan, habang 799 naman ngayon, April 5. Nakakatanggap ng tig P1,500 ang mga estudyante na nasa kolehiyo, P1,000 sa Grade 12 at P500 sa Grade 6 sa programang isinasagawa ng City Social Welfare and Development (CSWD) ng City of San Pedro.