CCP ARTS IN THE WORKPLACE

Nagdulot ng matinding saya sa mga empleyado ng San Pedro City Hall ang isang oras na pagtatanghal ng Philippine Ballet Theater na may pamagat na, “Art in the Workplace,” sa City Hall lobby noong ika-4 ng Abril, 12 ng tanghali.
Ang naturang outreach program, na pinamumunuan ni Carmencita Bernardo, Dep’t Manager III ng Cultural Exchange Dep’t- CCP, ay ipriniresenta ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod na pinamumunuan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, Admin Head Fil Sibulo, at ng City Tourism Office.