EARTHQUAKE DRILL ISINAGAWA SA CITY HALL

Nagsagawa ang mga empleyado ng San Pedro City Hall ng earthquake drill bilang paghahanda sa posibleng maganap na lindol o “big one,” sa Pamahalaang Lungsod noong ika-30 ng Marso, 2017 sa ganap na ika-9:00 ng umaga. Ang naturang pagsasanay ay bilang pagtalima sa kautusan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz na tiyakin ang kaligtasan ng bawat empleyado ng cityhall at taumbayan na may transaksiyon sa pamahalaan sakaling magkaroon ng lindol o sunog. Ang drill ay pinangasiwaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).